GMA Logo aiko melendez on mano po legacy
What's on TV

Karakter ni Aiko Melendez sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters,' base kay Mother Lily?

By Marah Ruiz
Published October 31, 2022 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

aiko melendez on mano po legacy


May kinalaman ba kay Regal matriarch Mother Lily Monteverde ang karakter ni Aiko Melendez sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters?'

Balik-telebisyon ang aktres na si Aiko Melendez sa upcoming family drama series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Matatandaang bahagyang nagpahinga ang aktres mula sa showbiz para mag-concentrate sa kanyang pagtakbo at pangangampanya noong nakaraang eleksiyon.

"Sana ito na nga ang hudyat ng pagbabalik ko dahil nga naja-juggle ko naman 'yung time ko sa pagiging konsehal sa Quezon City. Although nagkakasakit na, worth it naman after seeing the trailer of Mano Po 3. I don't have any regrets na tinaggap ko ang Mano Po 3 kaya, Ms. Roselle (Monteverde) and Sir Joey (Abacan), salamat sa pagkakataon na ito dahil you made my comeback with a big bang," pahayag ni Aiko.

Gaganap si Aiko sa serye bilang Lily Chua, ang panganay na anak ng family patriarch. Mahusay siya sa pagpapatakbo ng negosyo at isa namang "tiger mom" sa kanyang mga anak.

Na-pressure daw ang aktres na dalhin ang pangalang "Lily" lalo na at ito ang pangalan ng showbiz icon at Regal matriarch na si Mother Lily Monterverde.

"Isa po ako sa original Regal babies. Baby po ako ni Mother Lily kaya the mere fact na ang pangalan ko dito ay Lily, nakaka-pressure po. Hindi naman po ganoon ang ugali ni Mother Lily pero may mga eksena po na ginaya po namin si Mother Lily," paliwanag ni Aiko.

Aiko Melendez

Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

Bukod kay Aiko, bahagi rin ng serye sina Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, Angel Guardian at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE DITO: