
Kilala man makapangyarihan sa mundo ng negosyo, isang dagok ang haharapin ni Lily (Aiko Melendez) sa pagpapatuloy ng kuwento sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Matapos palayasin ang panganay niyang anak na si Petersen (Miggs Cuaderno), mag-alsa-balutan na rin ang mister niya na si Redmond (Marcus Madrigal).
Dito na ba mawawasak ang pamilya ni Lily Chua?
Ano ang mararamdaman ng bunso niyang anak na si Andrew (Will Ashley) sa pag-alis ng kaniyang ama sa kanilang tahanan?
Balikan ang mainit na tagpo na ito sa pagitan nina Lily at Redmond sa episode ng Mano Po Legacy last week.
Sundan ang iba pang nangyari magkakapatid na sina Lily (Aiko Melendez), Violet (Beauty Gonzalez), Dahlia (Thea Tolentino), at Iris (Angel Guardian) sa episode highlights below:
MEET THE STAR-STUDDED CAST OF MANO PO LEGACY HERE: