
Mas maaga nang mapapanood ang much-loved GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Simula December 26, lilipat na ito sa oras na 8:50 p.m. Bukod doon, limang beses na isang linggo na rin ito mapapanood dahil eere ito mula Lunes hanggang Biyernes.
May same-day telecast din ito sa GTV, mula Monday to Thursday, 11:30 p.m. at Friday, 11:00 p.m, simula sa December 26.
Patuloy na panoorin ang lalong gumagandang kuwento ng magkakapatid na Chua sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA Telebabad.
Huwag palampasin ang paglipat nito sa mas maagang oras na 8:50 p.m. simula December 26.
Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.