GMA Logo Aiko Melendez at WillAyon sa mga manonood, hindi nila inaasahan ang mabigat na eksena sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' Ashley
What's on TV

Aiko Melendez at Will Ashley, ginulat ang manonood ng 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Maine Aquino
Published January 10, 2023 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez at WillAyon sa mga manonood, hindi nila inaasahan ang mabigat na eksena sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' Ashley


Ayon sa mga manonood, hindi nila inaasahan ang mabigat na eksena sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

Isang nakakagulat na eksena ang napanood sa episode ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters. kagabi (January 9).

Sa eksenang ito ay nagpaalam na si Andrew (Will Ashley) sa kanyang ina na si Lily (Aiko Melendez) dahil sa sunod-sunod nitong mga pinagdaanang problema.

Ipinakita naman sa Instagram post ang behind the scene footage ng huling sandali ni Andrew.

Isang post na ibinahagi ni Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)


Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkagulat sa pagpapaalam ni Andrew. Ayon pa sa mga nakapanood ay kahanga hanga ang pagganap nina Aiko at Will sa kanilang eksena sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Saad ng isang netizen, "Ito yata pinakamabigat na scene so far sa 3 installments ng MANO PO LEGACY. Di ko kinaya panoorin. Di na talaga kinaya ni Andrew."

"Grabe intense," comment naman ng isa sa mga nakapanood ng episode ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Comments
PHOTO SOURCE: Instagram

Isang netizen pa ang nagpahayag ng paghanga sa eksena at sa pagganap nina Aiko at Will.

"Why oh why Andrew @willashley17. Grabe tong scene kanina nakakakaba yung bago tumalon pati puso ko tumalon sa kaba. Grabe din si konsi @aikomelendez ang galing galing mong umarte. kawawa naman si Lily grabeng trauma mangyayari sknya. mamimiss namin buong pamilya itong palabas na to kudos @gmanetwork @gmadrama @sparklegmaartistcenter"

Tutukan ang mga magaganap pang eksena sa finale week ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA Network.