GMA Logo Bodjie Pascua
What's on TV

Bodjie Pascua, lubos na nag-enjoy sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Marah Ruiz
Published January 11, 2023 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Bodjie Pascua


Lubos na nag-enjoy si Bodjie Pascua sa pagiging bahagi ng 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'.

Nag-enjoy nang lubusan si veteran actor Bodjie Pascua sa pagiging bahagi ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Gumaganap siya rito bilang Felino Go, ang loyal friend ng pamilya Chua na napapagkatiwalaan hindi lang sa negosyo kundi pati na sa personal na buhay ng ilang henerasyon nito.

Tatlong gabi na lang ang nalalabi sa serye at ipinahiwatig ni Bodjie ang appreciation niya para sa mga taong nakatrabaho niya dito.

"Anong mami-miss ko sa 'Mano Po?' Eh 'di siyempre 'yung mga taong ilang buwan kong nakasama sa pagbuo ng palabas na 'yun, lalo na 'yung mga kapwa ko artistang masarap ka eksena and 'yung nasa staff na napakahusay sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa produksiyon. Kahit anong problema ang makaharap namin, gumagaan ang pakiramdam dahil kasama mo sila," pahayag niya.

Bukod dito, nagpasalamat din siya sa mga manonood na nasa likod ng mainit na pagtanggap sa kanilang serye.

"Sa inyo naman na nanonood, maraming maraming salamat. Kung wala kayo, wala kami. Kayo ang dahilan kung bakit namin pinagbubuti 'yung aming trabaho, ang aming gawain bilang mga alagad ng sining. Salamat sa panonood ng 'Mano Po,'" aniya.

A post shared by Mano Po Legacy (@manopolegacy)

Sa huling tatlong gabi ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, mahahati na kina Lily (Aiko Melendez), Violet (Beauty Gonzalez), Dahlia (Thea Tolentino) at Iris (Angel Guardian) ang malaking halaga ng pera na iniwan ng kanilang ama.

Magfa-file naman ng annulment ang asawa ni Violet na si Julian (Rafael Rosell) at tila magkakaroon na ng malay ang na-comatose na si Aurora (Isabel Rivas).

Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.