
Mapapanood na ang finale episode ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA Telebabad ngayong gabi.
Ayon sa isa sa lead stars nitong si Angel Guardian, mami-miss daw niya ang kanyang karakter na si Iris Chua.
Si Iris ang pinakabata sa apat na tinaguriang "flower sisters." Lumaki siya sa Amerika na malayo sa mga kapatid at sa tradisyon ng mga Filipino-Chinese kaya umuwi siya sa Pilipinas para kilalanin ang kanyang pamilya.
"Mami-miss ko 'yung mga co-actors ko, 'yung mga cast ng 'The Flower Sisters,' and siyemre, our directors na tumulong sa amin. To our crew and staff, maraming salamat po sa inyo. And siyrempre mami-miss ko rin na i-portary si Iris Chua," pahayag ni Angel tungkol sa pagtatapos ng kanilang serye.
Bukod kay Angel, kasama rin niyang bumida sa serye sina Aiko Melendez, Beauty Gonzales, at Thea Tolentino.
Samantala, nagpasalamat din si Angel sa mga masugid namanonood ng kanilang show.
"Gusto ko lang pasalamatan lahat ng sumubaybay at sumuporta sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Maraming salamat po sa araw araw niyong panoonood at pagsama sa amin. Mami-miss din namin kayo," mensahe ni Angel.
Samantala, isang ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Abangan ito ngayong gabi, January 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.