
Bittersweet para sa aktres na si Beauty Gonzalez ang pagtatapos ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Lubos daw niya kasing na-enjoy ang pagganap dito bilang Violet Chua, isa sa apat na tinaguriang "flower sisters." Nakadagdag pa sa gana niya sa pagtatrabaho ang magandang samahan nila ng cast at crew ng show.
"It was a short but sweet moment together and I'm gonna cherish all those memories for the rest of my life," lahad ni Beauty.
"I'm gonna miss everyone but I know magkikita-kita pa rin kami kasi there are no goodbyes," dagdag pa ng aktres.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng tumutok sa show, lalo na sa lahat ng nagmahal sa karakter niyang si Violet.
"Maraming salamat po sa pagtanggap niyo sa amin sa bahay niyo, sa lahat ng suportang ibinibigay niyo sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters.' Maraming salamat sa lahat ng nagmahal kay Violet. I know she's a bit annoying but mabait naman siya. Thank you so much and sana po tuloy-tuloy po ang suporta niyo sa huling gabi ng 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters.' I love you all and I'll see you soon again," aniya.
Samantala, isang unexpected twist ang dapat abangan sa big finale ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.