GMA Logo Barbie Forteza Julie Anne San Jose and Dennis Trillo
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra,' nangungunang TV show sa Netflix Philippines!

By Abbygael Hilario
Published April 16, 2023 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza Julie Anne San Jose and Dennis Trillo


Talaga namang hindi pa tapos ang 'Maria Clara at Ibarra' fever!

Patuloy na nangunguna ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra sa Netflix Philippines.

Simulang Ipinalabas ang groundbreaking series ng GMA sa Netflix noong Biyernes, April 14.

Sa pag-ere nito sa streaming platform ay pinatunayan ng mga taga-suporta nito na hindi pa tapos ang Maria Clara at Ibarra fever!

Sa kasalukuyan, nangunguna sa listahan ng top 10 Philippine TV shows ang naturang serye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo.

Samantala, ikinatuwa naman ng netizens ang muling pagpapalabas ng Maria Clara at Ibarra. May ilan na kahit napanood na nila ito sa telebisyon ay muli pa rin nilang binabalikan ang kuwento ni Klay (Barbie Forteza) nang mapunta siya sa mundo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

"Yes po kahapon po kami nag-start manood dito sa bahay ay mamaya po ulit namin tatapusin ang series. Maski nasubaybayan na namin 'yun sa TV, inulit pa rin namin. Sobrang ganda," ani Bridgette Tomas.

"Currently binge watching. Ganda!!" komento ni Ann Brookes Gallardo-Santiago.

Huwag magpahuli at panoorin ang 52 iconic episodes ng Maria Clara at Ibarra sa Netflix Philippines.

TIGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: