IN PHOTOS: Ang mga dapat abangan sa bagong kabanata ng 'Maria Clara at Ibarra'

Talagang maraming dapat abangan sa bagong kabanata ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
May mga nagbabadyang pagbabago para kay Klay (Barbie Forteza), ang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng 'Noli Me Tangere' ni Jose Rizal.
Habang nasa simbahan, nakapulot siya ng isang dahon ng libro kung saan nakasulat ang mga katagang "Ang bagong kabanata."
Ayon din sa kanyang teacher na si Professor Torres (Lou Veloso), bahagi na siya ng kuwento ng nobela. Bukod dito, kapansinpansin din na nag-iba ng bihis ang propesor.
Silipin ang mga dapat abangan sa bagong kabanta ng 'Maria Clara at Ibarra' dito.






