'Maria Clara at Ibarra' scene: Ang madamdaming pamamaalam ni Klay kina Maria Clara at Fidel

Malapit nang tumungo sa pangalawang yugto ang hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa pagtatapos ng nobelang "Noli Me Tangere", magbabalik na rin si Klay (Barbie Forteza) sa sarili niyang mundo.
Hindi man niya mahanap si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), magpapaalam pa rin siya kina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Fidel (David Licauco) na parehong napamahal na sa kanya.
Muling nag-trend sa Twitter Philippines ang official hashtag ng episode na #MCIPaglisan. Umani rin ng papuri sina Barbie, Julie Anne at David sa kanilang pagganap sa episode.
Ano kaya ang mangyayari sa mga tauhan ng nobela kapag umuwi na si Klay sa sarili niyang mundo?
Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maaari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
Samantala, silipin ang aming episode recap sa gallery na ito:









