'Maria Clara at Ibarra' supporting characters na tumatak sa mga manonood

Marami ang mga karakter sa mga nobela ni Jose Rizal na "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo".
Dahil dito, napakalaki rin ng cast ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra na hango sa dalawang nobela.
Napamahal sa mga manonood ng serye ang mga bida nito tulad nina Klay (Barbie Forteza), Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), Maria Clara (Julie Anne San Jose) at maging si Fidel (David Licauco).
Pero bukod sa kanila, tumatak din sa fans ng serye ang ilang supporting characters na naging mahalaga rin sa takbo ng kuwento.
Kilalanin ang mga supporting characters ng 'Maria Clara at Ibarra' na tumatak sa mga manonood sa gallery na ito.
Samantala, patuloy na tumutok sa huling linggo ng 'Maria Clara at Ibarra', Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.
Maaari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng 'Maria Clara at Ibarra' sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.









