TV

Barbie Forteza, gaganap bilang Gen Z Maria Clara sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz

Isa si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa mga bida ng upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Gaganap siya rito bilang Maria Clara "Klay" Infantes, isang Gen Z nursing student na mapapadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

"Sobrang interesting noong concept kasi hindi siya straight period (piece). It will be very interesting especially to the kids na makakapanood kasi may Gen Z take ka. Matututunan mo ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo through the eyes of a Gen Z woman," pahayag ni Barbie sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com.

Pero hindi lang daw educational ang programa, maghahatid din ito ng entertainment sa mga manonood dahil dinagdagan nila ito ng mga elemento ng comedy, fantasy, at marami pang iba.

"Hindi siya straight period (piece). It will be very interesting. Magkakaroon ng portal fantasy. Ang daming factors kaya mas flavorful 'yung story and mas exciting panoorin. Siyempre nandoon 'yung element of love na talagang inaabangan natin sa GMA Telebabad. After a whole day of hard work, gusto mo namang makapanood ng nakakakilig, gusto mong makapanood ng nakakatuwa so 'yun 'yung ibibigay natin sa atin mga Kapuso," lahad ni Barbie.

Lalo pang ikinatuwa ni Barbie na nakikita niya ang kanyang sarili sa karakter na si Klay.

"Isa sa mga ikinatuwa ko talaga is habang binabasa ko 'yung script, very Barbie siya talaga. As in 'yung mindset ni Klay, the way siya makipag-usap, the way na i-handle niya 'yung sarili niya, very Barbie," bahagi niya.

Abangan si Barbie bilang Gen Z Maria Clara na si Klay sa Maria Clara at Ibarra, simula October 3 sa GMA Telebabad.

SILIPIN DIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA RITO: