Article Inside Page
Showbiz News
Responsibilidad para kay Dennis Trillo ang pagiging bahagi ng mga cultural at historical series tulad ng 'Maria Clara at Ibarra.'
Mula sa cultural drama series na Legal Wives, sasabak naman si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Tungkol ito sa isang Gen Z nursing student na si Klay, played by Barbie Forteza, na mapapadpad sa mundo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.
Dito niya makikilala sina Crisostomo Ibarra, ang karakter ni Dennis, at si Maria Claria na karakter naman ni Julie Anne San Jose.
Para kay Dennis, isang responsibiliad ang pagganap sa mga cultural at historical series.
"Sobrang bigat na responsibility kaya parang hindi ka puwedeng magkamali doon sa mga eksena. Every time na mayroon kaming mga Spanish na salita na babanggitin, nakabantay palagi. 'Pag may mali kailangan mong ulitin. 'Yung damit namin, 'yung costume, kailangan period correct lahat, mula sa sapatos, sa hat, sa mga detalye ng pananamit," kuwento ng aktor sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.
Buong puso naman niyang hinarap ang hamon na ito kasama ang team na bumubuo ng serye.
"Mas mahirap lang kasi kailangan mong mag-ingat dahil iiwasan mo 'yung pagpuna lalo na kung mali 'yung ginawa niyo, mali 'yung mga pinakita niyo, mali 'yung mga sinabi. Mas mahirap lang dahil doon pero masaya siyang gawin dahil marami kaming katulong para buuin 'tong project na 'to and maging maayos lahat noong ginagawa namin sa eksena," bahagi ni Dennis.
Abangan si Dennis bilang Crisostomo Ibarra sa
Maria Clara at Ibarra, simula October 3 sa GMA Telebabad.
SILIPIN DIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: