GMA Logo Maria Clara at Ibarra pilot episode
What's on TV

Cast at crew ng 'Maria Clara at Ibarra,' magkakasamang pinanood ang kanilang pilot episode

By Marah Ruiz
Published October 4, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra pilot episode


Ano kaya ang naging reaksyon ng cast at crew habang nanonood ng unang episode ng Maria Clara at Ibarra? Alamin dito.

Sabay-sabay na tinutukan ng cast at crew ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra ang unang episode ng kanilang programa kagabi, October 3.

Habang nasa lock-in taping, nagsama-sama sila Dennis Trillo, Barbie Forteza, Andrea Torres, David Licauco at ang direktor na si Zig Dulay pati na rin ang iba pang production staff para panoorin ang pilot episode at i-livestream ang kanilang watch party.


"Napaka ganda, napaka husay, I love it! We have a show!" pahayag ni Barbie.

Nagpasalamat rin sila sa lahat ng tumutok sa show at sa mga nag-post tungkol dito sa social media.

"Hello, hello! Maraming salamat sa lahat ng nanood diyan. Thank you, thank you!" ani Dennis habang kumakaway.

Hinikayat naman ni Andrea na patuloy na abangan ng mga manonood ang kanilang show gabi-gabi.

"Thank you! Diyan lang kayo, marami pang magagandang eksena," imbitasyon niya.

Sa unang episode ng show nakilala si Klay, ang karakter ni Barbie, na isang working student na kumukuha ng kursong nursing.

Naipakita rin ang sitwasyon niya sa buhay kung saan battered wife ang kanyang ina sa kamay ng bagong kinakasama nito habang absentee father naman ang tunay niyang ama.

Naging top trending topic ang official hashtag na #MCIAngSimula, habang pasok si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara sa 8th spot at Barbie Forteza sa 16th spot.


Ngayong gabi, October 4, matatagpuan na ni Klay ang sarili sa loob ng mundo ng Noli Me Tangere.

Tunghayan ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: