
Tila parehong nag-e-enjoy sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa mga kasuotan nila sa historcal portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Proud na iflinex ng dalawang akrtres ang costume nilang baro't saya sa kani-kanilang mga Instagram accounts.
Si Barbie, nagbahagi ng maikling video kung saan makikitang naglalakad-lakad siya at nagpo-pose habang suot ang baro't saya na may kasama pang pañuelo at tapis. Siyempre hindi kumpleto ang look kung walang abaniko.
Si Julie Anne naman, nagbahagi ng ilang litrato mula sa official cast photo shoot ng Maria Clara at Ibarra, pati na ang ilang mga kuha mula sa set nito kung saan makikitang suot niya ang iba't ibang baro't saya.
Sa episode kahapon, October 4, nagkakilala na ang karakter ni Barbie na si Klay at ang karakter ni Julie Anne na si Maria Clara.
Binalaan ni Klay si Maria Clara tungkol sa mga mangyayari sa napipintong pagtitipon sa kanilang tahanan.
Dahil kakaiba ang salita at kilos ni Klay, hindi siya pinaniwalaan ni Maria Clara at tinangka pang dahil siya sa ospital sikiyatriko.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pangalawang episode ng serye at nagtala ito ng 15.4 combined ratings mula sa GMA at GTV na mas mataas kaysa sa katapat na programa na nakakuha 6.4 combined ratings mula sa anim na magkakaibang channel.
Top trending topics din ang official hashtag ng episode ng #MCINoliYarn sa Twitter Philippines.
Ngayong gabi naman, October 5, nakatakda nang makilala ni Klay si Crisostomo Ibarra na karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Patuloy na panoorin ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: