GMA Logo maria clara at ibarra
Image Source: gmadrama (Instagram)
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra,' umani ng papuri dahil sa pagtatampok ng mga napapanahong isyung panlipunan

By Marah Ruiz
Published October 6, 2022 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

maria clara at ibarra


Pinuri ng mga manonood ang 'Maria Clara at Ibarra' dahil sa pagtatampok nito ng iba't ibang isyung panlipunan, kabilang na ang female empowerment, edukasyon at marami pang iba.

Umani na naman ng papuri ang episode kagabi, October 5, ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa ikatlong episode kasi ng programa, nakilala na ni Klay (Barbie Forteza) si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo).

Dito napakinggan ni Klay ang diskusyon ni Ibarra kasama ang kaibigang si Fidel (David Licaucpo) at iba pang mga ilustrado tungkol sa kababaihan at edukasyon.

Hindi naman napigilan ni Klay na magsalita at magpakita ng malawak na kaalaman tungkol sa iba't ibang paksa na matapos maliitin ng grupo ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga babae.

Nakakatawa man ang eksena, sinasalamin naman nito ang ilang mahahalagang isyung panlipunan tulad ng gender equality, female empowerment, education, at marami pang iba.

Ikinatuwa ng mga manonood na tumindig si Klay para sa mga babae, lalo na sa mundong pinaghaharian ng mga kalalakihan.

Pinuri din ng mga manonood ang tapang ng programa na magtampok ng ganitong klaseng issues.

Hinangaan rin ng iba ang atensiyon sa detalye ng production design team ng serye.

Pasok sa top trends ng Twitter Philippines ang official hashtag ng episode ng #MCIKlayMeetsIbarra.

Image Source: gmadrama (Instagram)

Samantala, patuloy ang pagpasok ng good reviews ng Maria Clara at Ibarra.

Binansagan itong "maganda" ng movie review blog na Maganda Ba Movie.

A post shared by Maganda Ba? (@magandabamovie)

Nakarating din ang ilang review ng serye sa isang K-Drama enthusiast group nang mapukaw nito ang pansin ng isang Korea drama lover.

Sa episode ng Maria Clara at Ibarra ngayong gabi, October 6, matutunghayan na ang iconic na "tinola scene" mula sa Noli Me Tangere.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/maria_clara_at_ibarra/170115/maria-clara-at-ibarra-tinola-teaser-ep-4/video

Patuloy na panoorin ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: