GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Netizens, aliw na aliw sa "tinola scene" ng 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published October 7, 2022 4:42 PM PHT
Updated October 8, 2022 7:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Aliw na aliw ang mga netizens sa pagsasadula ng 'Maria Clara at Ibarra' ng iconic "tinola scene" mula sa "Noli Me Tangere."

Kagabi, October 6, napanood sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra ang isa sa iconic scenes mula sa nobelang 'Noli Me Tangere' ni Jose Rizal.

Ang eksenang ito ay ang piging sa bahay ni Kapitan Tiago (Juan Rodrigo) kung saan nasilbihan si Padre Damaso (Tirso Cruz III) ng tinola na ang laman lamang ay leeg at pakpak ng manok.

Pinuri ng mga manonood ang ganda ng production design ng episode kung saan nakita ang ganda ng table setting para sa pagtitipon, pati na ang paghahanda sa kusina ng mga pagkaing ihahain dito.


Tuwang tuwa rin ang netizens sa naging papel ni Klay, karakter ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, sa eksena.


Nakatanggap rin ng papuri ang aktor na si Tirso Cruz III sa pagganap niya bilang ang gahamang prayle na si Padre Damaso.


Nagningning din si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa pagbibigay-buhay niya sa iba't ibang emosyon ni Crisostomo Ibarra nang malaman nito ang sinapit ng kanyang ama.


Isa pa sa pinusuang mga eksena ang paghahanda ni Maria Clara, karakter ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose para sa piging. Kitang kita kasi dito ang ganda ng kasuotan ng panahong iyon, pati na ang atensiyon ng programa sa ganitong klaseng mga detalye.


Muling nakatanggap ng papuri ang Maria Clara at Ibarra dahil mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang kuwento ng 'Noli Me Tangere' sa visual storytelling nito.


Ilang educators din ang nagpahayag ng appreciation para sa serye na makakatulong daw sa kanilang mga mag-aaral.


Dahil dito, top trending topic sa Twitter Philippines ang official hashtag ng episode ng #MCITinola.


Sa episode ng Maria Clara at Ibarra ngayong gabi, October 7, mabubuo ang galit sa puso si Crisostomo Ibarra dahil sa sinapit ng yumaong ama.



Mapapagtanto naman ni Maria Clara na totoo ang naging babala sa kanya ni Klay.

Patuloy na panoorin ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: