GMA Logo Dennis Trillo and Julie Anne San Jose
PHOTO COURTESY: Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Dennis Trillo on working with Julie Anne San Jose: 'Sobrang perfect niya... na Maria Clara'

By Dianne Mariano
Published October 14, 2022 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Julie Anne San Jose


Mapapanood sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose bilang Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.'

Humanga si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang Maria Clara at Ibarra co-star na si Julie Anne San Jose dahil hindi lamang ito magaling na performer kundi mahusay rin na aktres.

Sa latest episode ng podcast na Updated with Nelson Canlas, ibinahagi ng aktor na perfect daw ang Asia's Limitless Star para sa karakter na Maria Clara.

“Nagulat nga ako kasi siya 'yung opening scene talaga and habang pinapanood ko siya doon ko na-realize na parang sobrang perfect niya rin para doon sa character na Maria Clara.

“Nakakatuwa na from a concert performer, live performer na diva na magaling kumanta e, kaya niya rin pala na gumawa ng ganito kabibigat na mga eksena at mag-portray ng gano'ng klaseng character as Maria Clara na sobrang demanding.

“And I think nagawan niya ng justice lahat..., 'yung pagbigay ng mga eksena na 'yun.”

Ipinaliwanag din ni Dennis kung bakit niya tinanggap ang kanyang role na si Crisostomo Ibarra sa Maria Clara at Ibarra.

Aniya, “Parang dito makikita 'yung gratitude sa pagtanggap nitong proyekto na ito dahil pinagkaloob to sa 'yo ng network, ng GMA. Tapos isang malaking-malaking role so paano mo siya ite-turn down 'di ba?

“Mahalaga sa akin 'yung pag-acknowledge nila na, 'Kaya 'to ni Dennis, ibibigay natin 'to sa kaniya.' Ako naman in return parang ginagawa ko 'yung trabaho ko para hindi ako mapahiya sa kanila.

“Parang gano'n iniisip ko para magampanan ko 'to nang husto. Magawa ko 'to nang mabuti na matutuwa sila at hindi masasayang 'yung tiwala na binigay nila sa akin.”

Mapapanood ang Maria Clara at Ibarra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA TAUHAN NG MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO.