GMA Logo Director Zig Dulay with Andrea Torres
What's on TV

Andrea Torres, masaya sa reunion nila ni direk Zig Dulay sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published October 18, 2022 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Director Zig Dulay with Andrea Torres


Reunited si Andrea Torres sa direktor na si Zig Dulay sa historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.'

Mapapanood na ngayong gabi, October 18, si Kapuso actress Andrea Torres bilang si Sisa sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.


Lubos daw ang paghahandang ginawa ni Andrea para sa role dahil dama niya ang kahalagahan ng iconic character na ito.

"Every time na may nakikita ako sa script, nilalagyan ko lagi ng reason sa likod ng utak ko kung bakit niya ginawa 'yun, bakit niya sinabi 'yun, bakit ganito siya kumilos. Importante talaga na malaman mo kung ano 'yung background ni Sisa, ano 'yung pinaghuhugutan niya, ano 'yung pinaggalingan niya," pahayag ni Andrea sa isang eksklusibong interview ng GMANetwork.com.

Sumalilim din si Andrea sa acting workshop na pinamunuan ni Ana Feleo bilang paghahanda sa role.

"Ako na rin mismo, sabi ko, iwo-workshop ko 'yung sarili ko. Nagpa-workshop ako para mas natural pagdating sa set, para kahit papano hindi ka na nangangapa," aniya.

Masaya rin daw si Andrea na mapabilang sa Maria Clara at Ibarra dahil reunion project nila ito ng direktor na si Zig Dulay.

"Si Direk Zig nakasama ko na siya sa last project ko, 'yung 'Legal Wives,' so may chemistry na kami. Nakakapag-usap na kami talaga nang masinsinanan pagdating sa mga ganitong bagay. Excited ako sa ganoon ulit namin--na makapag-discuss ng mga eksena, noong role, 'yung buong experience na alam mong lalabas ka ng set na 'to na parang may growth ka as an actor," lahad ni Andrea.

Bukod dito, masaya rin daw ang aktres na maging bahagi ng isang proyektong makabuluhan.

"'Yung set up ng 'Maria Clara at Ibarra,' feeling mo mabubuhay ka doon sa time na 'yun. 'Yung mga gamit, 'yung pananalita, 'yung suot, lahat lahat, parang ang sarap lang. Nakakatuwa na may ganito tayong opportunity na balikan 'yung mga bagay na 'yun," aniya.

Sa episode ngayong gabi, October 18, makikilala ni Sisa si Klay, karakter ni Barbie Forteza.

Magbibigay ng babala si Klay kay Sisa tungkol sa pang-aabusong nararanasan ng kanyang mga anak mula sa prayleng si Padre Salvin, role naman ni Juancho Trivino.

Paano ito tatanggapin ni Sisa?

Abangan 'yan sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN DIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: