GMA Logo juancho trivino on maria clara at ibarra
What's on TV

Juancho Trivino, nilinaw na hindi "panot" si Padre Salvi ng 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published October 24, 2022 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

juancho trivino on maria clara at ibarra


Nag-react si Juancho Trivino sa mga mensaheng natatanggap niya bilang Padre Salvi sa 'Maria Clara at Ibarra.'

First kontrabida role ni Kapuso actor Juancho Trivino ang pagganap niya bilang Padre Salvi sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Kabilang si Padre Salvi sa most hated characters sa Philippine television sa kasalukuyan dahil sa pananakit sa mga batang saktrista na sina Basilio (Stanley Abuloc) at Crispin (Kian Co), mga huwad na paratang kay Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) at higit sa lahat, hindi nararapat na pakikitungo kay Maria Clara (Julie Anne San Jose).

"Isa 'to sa pinaka nag-enjoy ako na character na gawin. Nawala 'yung mga limitations ko. Sa pagkakasulat pa lang nakakainis na 'yung character ni Padre Salvi so habang ginawa ko, ang dami kong naiiisip na mga maliliit at malalaking bagay na lalong magdadagdag sa kanya ng color," pahayag ni Juancho tungkol sa kanyang karakter.

Nag-react din ang aktor sa memes at mga komentong natatanggap niya dahil sa kanyang pagganap.

"'Yung ginawang isla 'yung taas ng buhok ko, may 'Padre Sunny side up' at marami pang bagay. Hindi naman personal 'yung mga atake sa akin, pero nagpapadala ng ganitong litrato na may hawak na baril 'tapos sabi niya 'Every time Padre Salvi shows up in the scene,'" kuwento ni Juancho.

Masaya naman siya dahil nae-engage ang mga manonood sa kanilang palabas.

"Nagga-garner nga ng ganoong klaseng reaksiyon at 'yun naman talaga 'yung goal natin as mga actors, 'di ba? Gusto namin na feel talaga nila na nandoon sila sa istorya, mag-interact sila with us at maramdaman talaga nila 'yung presencce ng mga characters," lahad niya.

Bukod dito, nilinaw ni Juancho na hindi raw panot si Padre Salvi.

"Ginagawa siya sa mga bagong kura. Its called the tonsure, so hindi siya panot. Sadya siya noong unang panahon na kinakalbo talaga 'yung top," paliwanag niya.

Ang tonsure ay ang ang pag-aahit ng bahagi ng ulo bilang simbolo ng pagpapakumbaba ng isang taong papasok sa pagpapari.

Dahil sa kanyang role, na-appreciate ni Juancho ang mga Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.

"There are people like Padre Salvi and Padre Damaso that are brainwashing the Filipino people. History repeats itself kasi kung hindi natin alam 'yung pinagggalingan natin, we're bound to be brainwashed by people that think lower of us," aniya.

Marami pa daw dapat abangan sa pagpapatuloy ng Maria Clara at Ibarra.

"Saan mapupunta 'yung dalawag sakristan? 'Yun ang pinakamalaking question na malapit na. Anong mangyayari sa kanila ngayong sinusubikan na ni Klay, ni Crisostomo Ibarra, at ni Maria Clara na i-intercept [ang mangyayari sa dalawang bata]," bahagi ni Juancho.

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN DIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: