
Masayang nagkita ang Maria Clara at Ibarra actors na sina Dennis Trillo at Tirso Cruz III sa premiere night ng theater screening ng award-winning film na On the Job: The Missing 8, Biyernes ng gabi, October 28.
Sina Dennis at Tirso ang gumaganap bilang ang mortal na magkaaway na sina Crisostomo Ibarra at Padre Damaso sa pinag-uusapang primetime series ng GMA na Maria Clara at Ibarra na inspired sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.
Sa isang Instagram story, tinawag na "movie date" ni Dennis ang pagkikita nila ng batikang aktor na si Tirso kung saan makikita ang kanilang masayang encounter.
"Movie date with Damaso," kuwelang caption ni Dennis.
"Mabait siya pramis," dagdag pa ng aktor.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maaari ring mapanood ng buo at libre via live stream ang Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com simula sa October 31.
KILALANIN ANG MGA TAUHAN SA MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: