GMA Logo Kian Co in Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Kian Co bilang Crispin sa 'Maria Clara at Ibarra': 'Masaya po ako na marami po palang gustong makita po ako sa TV'

By Aimee Anoc
Published November 6, 2022 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kian Co in Maria Clara at Ibarra


'Nasaan ka na, Crispin?' Gumanap si Kian Co bilang Crispin, ang isa sa dalawang anak ni Sisa sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Masaya ang child actor na si Kian Co sa mga natatanggap na papuri mula sa manood ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Kuwento ito ng isang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Marami ang patuloy na humahanga sa mahusay na pagganap ng 8-year-old actor bilang Crispin, ang bunsong anak ni Sisa na ginagampanan ni Andrea Torres.

Ayon kay Kian, hindi niya inaasahan na marami ang makapapansin sa kanya sa serye.

"Nagulat po ako kasi napansin po nila ako, madami rin po ako nababasa sa Twitter na gusto po nila humaba pa ang role ko po or sana mabigyan daw po ako ng bagong project sa GMA. Nakakatuwa po magbasa ng messages ng mga netizens para po sa akin, masaya po ako na marami po palang gustong makita po ako sa TV," kuwento ni Kian sa GMANetwork.com.

Nagpapasalamat din ang batang aktor sa bumubuo ng Maria Clara at Ibarra dahil aniya ay silang gumabay sa kanya ng mga dapat na gawin sa eksena.

"Masaya po, bitin nga po eh, maalaga po sa amin ang buong production at mababait po lahat ng artista na kasama namin. Nung nasa lock-in taping po kami, para lang po kaming nagbabakasyon.

"Bilang bunso po sa serye, ramdam ko po ang pagiging baby ko sa kanila at 'di ko po makakalimutan nu'ng binigyan po ako ng chocolate ng EP po namin pagkatapos ng scenes ko po. Alam na rin po nila na mahilig ako sa chocolate kasi lagi akong may baon sa set," sabi ni Kian.

Patuloy na subaybayan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG 'MARIA CLARA AT IBARRA' SA GALLERY NA ITO: