GMA Logo Kapuso Serye Review
What's on TV

Teacher at multimedia designer, nag-react sa 'Maria Clara at Ibarra'

Published November 10, 2022 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal sa kanyang first love; snippets ng kanilang wedding, ipinasilip
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Serye Review


Ano nga ba ang masasabi ng isang guro at isang multimedia designer sa 'Maria Clara at Ibarra?'

Patuloy ang pamamayagpag ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra sa primetime.

Samu't saring reaksiyon din ang natatanggap nito online, partikular sa TikTok lalo na noong inulunsad ng GMA ang Kapuso Serye Review.

Napukaw ng serye ang atensiyon ni Ginoong Marvin, isang popular na educator at TikTok content creator na nagbigay ng trivia tungkol sa character ni Julie Anne San Jose na si Maria Clara.

@ginoongmarvin Sino ba si Maria Clara sa totoong buhay? #fyp #foryou #mariaclaraatibarra #mariaclara #nolimetangere #elfilibusterismo #joserizal #ginoongmarvin #learnontiktok #edutok #eduwow #kapusoseryereview ♬ Babaguhin Ang Buong Mundo - Theme from "Maria Clara and Ibarra" - Julie Anne San Jose

Napahanga naman ng serye ang multimedia designer na si Ica Lansang. Pinuri niya ang cinematography, production design pati na ang post editing ng serye.

@icalansang Hooked talaga ako dito sa MCI! Cinematic masterpiece indeed! Maiba lang, team klaybarra o team filay? 😂 Ilagay niyo na ako sa kuartel!!! 😭 #entertainmentph #kapusoseryereview #mariaclaraatibarra @GMA Network ♬ original sound - Ica Lansang

Join the conversation on TikTok sa Kapuso Serye Review!

Mag-post lang sa TikTok ng inyong reaction sa mga palabas mula sa GMA Afternoon Prime at GMA Telebabad at gamit ang hashtag na #KapusoSeryeReview.

Magkakaroon ka pa ng chance na maimbita sa isang exclusive TikTok content creator workshop.


Samantala, sa episode ngayong gabi, November 10, muli nang maghaharap ang dalawang Maria Clara.

Sa pagbisita ni Maria Clara sa bahay ni Crisostomo Ibarra, maaabutan niya rito si Klay.

Ano ang mangyayari sa muling pakikita ng dalawang dalaga?

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.