What's on TV

Rocco Nacino, mapapanood na bilang Elias sa 'Maria Clara at Ibarra' ngayong Lunes

By Marah Ruiz
Published November 19, 2022 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino as Elias


Dala ng karakter ni Rocco Nacino na si Elias ang maaksiyong eksena sa 'Maria Clara at Ibarra' simula ngayong Lunes.

Ngayong Lunes, November 21, na mapapanood si Rocco Nacino bilang Elias sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Isa si Elias sa pinakaaabangang karakter at dala niya ang mas maaksiyong eksena sa serye.

Kabilang na dito ang pakikipaglaban sa isang buwaya sa ilog at matinding komprontasyon kay Padre Damaso (Tirso Cruz III).

Si Elias ang misteryosong pugante na magiging kaibigan ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo). Magiging magkatuwang sila sa pagsusulong ng mga adhikain para sa bayan ng San Diego.

Maging si Rocco ay excited nang ibahagi sa mga manonood ang ang kuwento ni Elias.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang aktor ng isang maikling video kung saan ipinamalas niya ang ilang moves gamit ang isang bolo.

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Abangan ang mga maaksiyong tagpong dala ni Elia sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO: