GMA Logo Barbie Forteza in Maria Clara at Ibarra
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra' viewers, naka-relate sa eksena nina Klay at Maria Clara

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 22, 2022 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza in Maria Clara at Ibarra


"Hindi mo nga nakikita pero ako, kitang-kita ko ang mga rehas na nakapalibot sa akin dito, sa akin, sa 'yo," - Klay

Relate na relate at damang-dama ng mga manonood ang eksena sa pagitan nina Klay at Maria Clara kagabi, November 21, kung saan kitang-kita ang pagkakaiba ng dalawang dalaga.

Sa mundo nina Maria Clara at Ibarra, frustrated na si Klay sa pangmamaliit ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Ipinaglaban ni Klay ang kanyang paniniwala na pantay lang ang mga lalaki at babae ngunit walang kumampi sa kanya.

Tinulungan rin ni Klay si Kapitan Basilio nang mabilaukan ito ngunit imbis na magpasalamat ay pinagbintangan pa siyang mangkukulam.

"Hindi mo nga nakikita pero ako, kitang-kita ko ang mga rehas na nakapalibot sa akin dito, sa akin, sa 'yo. Wala kang mararating, Maria Clara, kung mananatili ka sa kinalalagyan mo ngayon, at hahayaan mong ikulong ang sarili mo," emosyonal na sambit ni Klay kay Maria Clara.

"At alam mo ang pinaka masakit? Kayong mga babae rito, kayo mismo ang nagkukulong, pinagkakait sa isa't isa ang halaga at kapangyarihan ninyo."

Panoorin ang madamdaming eksenang yan sa pagitan nina Klay at Maria Clara dito:

Maraming mga manonood ang naka-relate sa eksenang ito ng dalawang dalaga na magkaibang-magkaiba ng pananaw sa buhay.

Komento ng isa, "Usapang babae sa babae, ng [dalawang] Maria Clara, isang nakarehas sa paniniwala na dinikit ng mga prayle na ang babae di dapat ihayag ang saloobin, maging maybahay lamang, binabasa lamang ay doctrina christiana at ang isa ay malaya nga pero di maihayag ang paniniwala at kakayahan sa isang panahong di pantay ang turing sa kababaihan."

Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO: