What's on TV

Julie Anne San Jose, aminadong siya si Klay ng 'Maria Clara at Ibarra' sa totoong buhay

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 24, 2022 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Paano kaya kung si Julie Anne mismo ang bumalik sa panahon nina Maria Clara at Ibarra, parehas kaya sila ng ipaglalaban ni Klay?

Mahigit isang daang taon na ang lumipas mula noong nakalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Español kaya naman marami na rin ang nagbago sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Kung mabigyan kaya si Julie Anne San Jose na bumalik sa panahon nina Maria Clara at Ibarra katulad ng karakter ni Barbie Forteza na si Klay, ano kaya ang hindi niya kayang pakawalan na mayroon tayo ngayon?

"Siguro, 'yung principles and 'yung education, hindi ko siya kayang i-give up. Feeling ko kasi magiging ako si Klay if ever bumalik ako sa era na 'to," sagot ni Julie Anne sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Kung si Barbie naman ang tatanungin, hindi niya kayang mawalan ng cellphone at komunikasyon sa mga mahal niya sa buhay.

"[Ako] cellphone, internet kasi sa mga location na wala kaming signal at wala kaming internet, pati 'yung mga kaaway ko napipilitan akong kausap, e, kasi wala akong magawa, e," pagbibiro ni Barbie.

Para naman sa magkaibigang sina Ibarra at Fidel na ginagampanan nina Dennis Trillo at David Licauco, gusto nilang magkaroon na ng aircon at kotse kung babalik man sila sa panahon ng mga Español.

"Nung panahon na 'yun, siguro maganda kung meron akong, at least, meron akong TV para at least naaaliw ako," sagot ni Dennis.

Dagdag naman ni David, "Sasakyan para at least 'yung convience ng sasakyan, and also aircon siguro rin."

Kahit na ang beteranang aktres na si Ces Quesada ay hindi maisip kung paano namuhay ang mga lolo't lola natin noon.

Aniya, "Kaya nga hindi namin ma-imagine, e. 'Yung mga lolo't lola, paano sila nabubuhay. Iniisip namin, 'Nako, wala silang ginawa buong araw kung hindi mag-ayos, mag-orasyon, tumingin sa bintana.'"

Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO: