GMA Logo Juancho Trivino as Padre Salvi
PHOTO SOURCE: @juanchotrivino
What's on TV

Juancho Trivino, trending nang bumili sa fastfood nang naka-Padre Salvi costume

By Maine Aquino
Published December 9, 2022 3:24 PM PHT
Updated December 9, 2022 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Juancho Trivino as Padre Salvi


Trending sa social media ang pamamasyal ni Padre Salvi ng 'Maria Clara at Ibarra.' Marami rin ang aliw na aliw sa pag-arte ni Juancho Trivino bilang ang malupit na kura ng San Diego.

Kinagigiliwan ng netizens ang bagong adventures ni Juancho Trivino bilang Padre Salvi.

Si Juancho ay ginagampanan ang karakter na Padre Salvi, ang kura ng San Diego sa tinututukang Maria Clara at Ibarra.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Juancho ang pamamasyal niya na nakabihis bilang Padre Salvi. Saad ni Juancho sa kanyang caption, gusto niya raw maghanap ng bagong kainan kaya sila namasyal.

 Juancho Trivino

PHOTO SOURCE: @juanchotrivino

"Nais ng pinakamamahal na Kura ng San Diego maghanap ng Comida (pagkain) ahora (now) at kasama ang kanyang mga alagad tayo'y maglakbay dito sa aming bayan para sumubok ng mga bagong kainan na hindi itinayo ni Senor Chrisostomo Ibarra."

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Sa comments section ay makikita ang nakakaaliw na reaksyon ng mga netizens sa bagong post ni Juancho.

"Padre tila nag palit kayo ni binibining klay ng panahon ikaw ata ang pumasok sa portal 🤣" saad ng isang netizen.

Ayon naman sa isa pa, hindi niya kinaya ang mga hirit ng kura.

"Hindi ko kinaya Padre Salvi. 😂😂😂"

Comment ng isang user, "Nakakatuwa ka talaga padre.. ngunit dito lamang haha"

 Juancho Trivino as Padre Salvi

PHOTO SOURCE: Instagram

Ilang mga posts na rin ni Juancho ang kinagiliwan ng ng netizens. Isa rito ang kulitan kasama si Fidel na ginagampanan ni David Licauco.

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Naaliw rin ang netizens sa paghahanap niya ng bagong sakristan. Ilang mga kabataan ang nakipagkulitan kay Juancho na nakabihis din bilang Padre Salvi.

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Sundan ang pagganap ni Juancho sa Maria Clara at Ibarra sa GMA Telebabad.