
Sa isang espesyal na partisipasyon, gumanap si Kapuso star Rain Matienzo bilang Salome sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Si Salome ang kasintahan ng bangkero na si Elias, played by Rocco Nacino. Dahil pinaghahanap na siya ng batas, kinailangan ni Elias na mamaalam kay Salome.
Lubos na kinagiliwan ng mga manonood ang huling gabi na ginugol nina Elias at Salome para sa isa't isa.
Dito rin naranasan ni Rain ang kanyang first on-screen kiss. Ibinahagi naman ng aktres sa kanyang Tiktok account ang naging reaksiyon ng kanyang ina rito.
Makikita sa video na nakatakip ng mga mata ng nanay ni Rain na tila kinakabahan.
"Labas pa uhog mo oh," biro pa nito.
Nag-react din sa comments ang ilang celebrity friends ni Rain.
"HAHAHA TITAAAAA," sulat ng celebrity host at voice talent na si Inka Magnaye.
"Proud of you…" komento naman ni Maria Clara at Ibarra lead star Barbie Forteza.
Panoorin ang buong reaksiyon ng nanay ni Rain sa kanyang first ever on-screen kiss dito.
@rainmatienzo Salome niyo nagpaalam pa kay Mommy at Daddy bago mag #MariaClaraAtIbarra ♬ original sound - angelfoura
Panoorin ang pamamaalam nina Elias at Salome sa isa't isa rito:
Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.