What's on TV

Official theme song nina Klay at Fidel, mapapakinggan na sa 'Maria Clara at Ibarra'

Published December 23, 2022 4:01 PM PHT
Updated December 23, 2022 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bilihan ng paputok sa Bulacan, dinadayo na; ilang uri ng paputok, tumaas na ang presyo
VPSD, mapasalamaton tungod nahatagan og taas nga panahon nga makauban si FPRRD | One Mindanao
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Pagkatapos magtapat ng pag-ibig ni Fidel kay Klay, ang FiLay love team may theme song na rin!

Exciting para sa fans ng tambalang FiLay o nina Fidel (David Licauco) at Klay (Barbie Forteza) ang mga mangyayari mamaya sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ngayong gabi, December 23, mapapanood ang first kiss ng dalawa.

Bukod diyan ngayong gabi rin mapapakinggan sa unang pagkakataon sa serye ang official theme song nina Klay at Fidel.

Pinamagatang "Kailangan Kita," mas naging espesyal pa ito dahil si David Licauco mismo ang umawit nito.

Abangan ito pati na ang first kiss sa pagitan nina Klay at Fidel ngayong gabi, December 23, sa Maria Clara at Ibarra.

Patuloy na tumutok sa top-rating at much-loved historical portal fantasy series na ito, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK NG FIRST KISS NINA KLAY AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: