
Kabilang si Maria Clara at Ibarra director Zig Dulay sa mga pinarangalan sa katatapos lang na Gawad Dangal Filipino Awards 2022.
Hinirang siya bilang Most Outstanding TV Director of the Year para sa mahusay na direksiyon ng hit historical portal fantasy series.
Bukod sa mga parangal at papuri na natatanggap niya para sa Maria Clara at Ibarra, nagkamit din si Dulay ng awards at nominations noong nakaraang taon at maging nitong 2023 para sa iba pa niyang mga obra.
Nakamit ng kanyang 2021 short film na Black Rainbow ang Best Film Award (Short), Best Screenplay (Short), at NETPAC Award sa Cinemalaya Independent Film Festival noong 2022.
Hinirang din itong Best Short Film sa LUCAS International Festival for Young Film Lovers sa Frankfurt, Germany.
Nakatanggap din ito ng Critics' Award for Film Excellence, Critics' Citation for Excellence in Screenplay at Critics' Citation for Excellence in Music Score sa 8th Bakunawa Young Cinema!
Ngayong 2023 naman, nominado ang Black Rainbow sa Best Short Film sa 45th Gaward Urian, habang kabilang si Direk Zig sa nominees para sa Short Movie Director of the Year para sa Star Awards for Movies.
Isinulat at inidirek ni Dulay ang Black Rainbow, na tungkol sa isang batang Aeta na tila wala nang pag-asa para magpatuloy ng kanyang pag-aaral hanggang makatanggap sya ng lumang computer keyboard.
Samantala, patuloy na panoorin ang mahusay na direksiyon ni Zig Dulay para sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.