
Mapapanood na ang music video ng awit na "Kailangan Kita" na bahagi ng soundtrack ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Ang awit na ito ang official theme song ng mga karakter na sina Klay, played by Barbie Forteza, at Fidel, na karakter naman ni David Licauco.
Lalong naging espesyal ang kanta dahil si David mismo ang kumanta nito.
Naging mainit ang pagtanggap ng fans sa music video at naging trending topic pa ito sa Twitter Philippines. Pasok ang hashtag na #FiLayKailanganKitaMV at ang katagang "DavidLicauco KailanganKitaMV" sa top 10 trending topics.
Panoorin ang music video para sa "Kailangan Kita," performed by David Licauco dito:
Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FIRST KISS NINA KLAY AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: