GMA Logo Barbie Forteza, Julie Anne San Jose and Dennis Trillo in Maria Clara at Ibarra
What's on TV

'#MCIDingginNiyoKami' at 'Ibarra,' trending sa Twitter!

By Abbygael Hilario
Published January 7, 2023 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, Julie Anne San Jose and Dennis Trillo in Maria Clara at Ibarra


Marami ang namangha sa ipinakitang husay nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo sa episode ng 'Maria Clara at Ibarra' nitong Biyernes, January 6.

Naging usapan sa social media ang episode ng Maria Clara at Ibarra nitong Biyernes, January 6, kung saan nagsalita si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) laban sa mga katiwalian.

Umani ng samu't saring papuri mula sa netizens ang ipinakitang husay ng mga bida nito na sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.

Tila namulat ang mga manonood sa bawat linyang binitawan nila sa serye.

Nag-trend sa Twitter ang '#MCIDingginNiyoKami' na umani na ng 41,500 tweets at 'Ibarra' na may halos 15,500 tweets.

Nag-viral din ang Facebook post ng GMA Drama kung saan may caption itong “Ang mga namulat ay hindi na muling pipikit.”

Marami sa Kapuso viewers ang naka-relate at ibinahagi ang kanilang naramdaman matapos mapanood ang nakakatindig-balahibong episode ng Maria Clara at Ibarra sa comments section.

“The caption must be the reality of the Filipino people,” komento ni Maykel Kanilyas.

“Kung ganito ang paksang itinuturo ko sa eskewelahan, bakit ko sasabihing mali ang manindigan para sa bayan? HINDI NA MULING PIPIKIT,” sulat ni Allen Valdez.

Panoorin ang eksena ng Maria Clara at Ibarra:

SAMANTALA, TIGNAN ANG 10 BEST MOMENTS MULA SA 'MARIA CLARA AT IBARRA' SA GALLERY NA ITO: