GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Suzette Doctolero, nag-react sa tambalang Klay-Ibarra ng 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published January 9, 2023 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


May posibilidad bang magkatuluyan sina Klay at Ibarra? Sinagot 'yan ni 'Maria Clara at Ibarra' head writer Suzette Doctolero.

Maganda ang naging chemistry ng co-stars at kapwa award-winning Kapuso actors na sina Dennis Trillo at Barbie Forteza sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Gumaganap si Dennis dito bilang Crisostomo Ibarra, karakter nam mula sa nobela ni Jose Rizal.

Si Barbie naman ay si Klay, isang Gen Z nursing student mula sa kasalukuyan na mapapadpad sa mundo ng libro.

Dahil sa magandang dynamic ng dalawa, may ilang mga viewers na hinihiling na sina Klay at Ibarra ang magkatuluyan.

Nag-react naman dito si Maria Clara at Ibarra concept creator and head writer Suzette Doctolero.

"Ang mayroon lang possibility ay magkagusto si Klay kay Ibarra. At hindi malayong mangyaring magkagusto siya kasi, I mean, Dennis Trillo, guwapo si Ibarra," pahayag ni Doctolero sa The Howie Severino Podcast.

"Plus idealistic na lalaki, mabait na lalaki, gentleman so imposibleng hindi magkagusto si Klay na isang Gen Z na napaka-vocal at napakabukas," dagdag pa niya.

Mapapanood din sa serye na inamin ni Klay na may nararamdaman siyang attraction para kay Ibarra pero idiniin niyang natural lang iyon at wala naman siyang balak na habulin ang lalaki.

"Ito 'yung love na mahal mo 'yung tao kasi he's a great human being. Mahal ni Klay si Ibarra dahil ito ay isang mabuting tao. At 'yun ang love niya," paliwanag ni Doctolero.

Tiniyak din ni Klay kay Maria Clara, played by Julie Anne San Jose, na hindi siya magiging hadlang sa pag-iibigan nila ng kanyang nobyo. Sa katunayan, siya pa nga ang gumagawa ng paraan para magkaroon ng komunikasyon ang dalawa.

"Hindi niya pinagnasaan [si Ibarra] na gusto niyang jowain at gusto niyang lasunin si Maria Clara para mamatay na. Walang ganoon," aniya.

Maria Clara at Ibarra


Sa ika-15 linggo ng Maria Clara at Ibarra, dadakipin ng mga guwardiya sibil si Ibarra matapos ang marubdob nitong mensahe sa mga taga-San Diego.

Kinumpirma naman ni Dennis Trillo na ito na nga ang hudyat na malapit nang tumawid ang serye sa El Filibusterismo, ang pangalawang nobela ni Jose Rizal.

"Oo, patindi na nang patindi. Papunta na doon sa book two which is 'yung El Filibusterismo. Ito 'yung pagbabalik ni Ibarra bilang isang enigmatic na character, bilang Simoun," lahad niya sa isang panayam ng 24 Oras.

Abangan ang tumitinding mga eksena ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEST MOMENTS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO:


Pakinggan din ang buong panayam ni Suzette Doctolero sa The Howie Severino Podcast dito: