
Malapit nang magsimula ang bagong yugto ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Mula kasi sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere tatawid na ang kuwento sa pangalawang nobela niyang El Filibusterismo.
Kaakibat nito ang ilang pagbabago sa takbo ng kuwento, kabilang na ang transformation ng karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Mula sa mapagtimping si Crisostomo Ibarra na magiging pugante dahil sa mga huwad na akusasyon, magbabalik siya bilang ang misteryosong alahero na si Simoun.
Narito ang unang pasilip sa bagong wangis niya bilang si Simoun.
Kapansin-pansin na mas mahaba na at iba pa ang kulay ng buhok ni Simoun. Ibang iba na rin ang pananamit nito na mas makulay at magarbo kumpara kay Ibarra.
Bukod kay Simoun, may ilang pang bagong mga karakter ang papasok sa istorya. Hindi rin dapat palampasin ang pagbabalik ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng nobela, pati na ang magiging buhay ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) sa loob ng kumbento.
Abangan ang tumitinding mga eksena ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEST MOMENTS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: