
Lalo pang lumaki ang star-studded cast ng hit historical-portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa pagtawid nito mula sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere patungo sa pangalawang nobela niyang El Filibusterismo, ilang bagong karakter din ang madaragdag sa kuwento.
Sa media conference ng programa nitong Lunes, January 16, ipinakilala sina Sparkle stars Khalil Ramos, Pauline Mendoza, at Julia Pascual bilang karagdagan sa cast ng Maria Clara at Ibarra.
Si Khalil ang gaganap bilang binatang Basilio, ang karakter na ginamapan ng child actor na si Stanley Abuloc sa unang bahagi ng programa.
"I'm super excited lang din talaga na ma-fill in ko 'yung shoes ng isang character na ilang beses na rin nating napanood. Siyempre, isa siyang character na sinulat ni Jose Rizal so I'm very much excited and very thankful to be part of this wonderful show," pahayag ni Khalil.
Sa tatlo, si Khalil pa lang ang nakapag-taping.
"Nakaka-one day pa lang ko ako sa pagshu-shoot and so far sobrang natutuwa po ako kasi winelcome po talaga ako ng buong cast and crew ng show na 'to. They made me feel comfortable and sobrang collabortiave din nila.
"I'm very excited kung anong puwede naming maibigay na kuwento dito sa El Filibusterismo. Excited din ako na ma-fill 'yung shoes ni Basilio dahil alam po natin na napaka importante din ng role ni Basilio sa El Filibusterismo," kuwento niya.
Si Pauline naman ang gaganap bilang Juli, ang kababata ni Basilio.
"I'm a fan of Maria Clara at Ibarra. Sobrang ganda! I'm very happy and grateful. Sobrang successful ng Maria Clara at Ibarra. Now, napabilang ako sa El Filibusterismo, so sobrang thank you.
"Thank you for giving me this opportunity. I'm very excited to work with everyone, to give life to my character as Juli. Excited akong makatrabaho si Khalil kasi ako ang kbabata niya. I'm looking forward to working with everyone," lahad ni Pauline.
Espesyal daw para kay Pauline ang maging bahagi ng Maria Clara at Ibarra dahil isa itong "first" para sa kanya.
"This is gonna be my first ever period piece. Nagre-research ako kung sino ba si Juli, kung ano ba siya, paano ko bibigyan ng buhay 'yung character niya. Nilu-look forard ko rin talaga to be working also with direk [Zig Dulay]," dagdag ng aktres.
Si Julia naman ang magbibigay buhay sa karakter ni Paulita Gomez, ang pamangkin ni Doña Victorina (Gilleth Sandico).
"Sa tingin ko, sobrang iba ako sa karakter ni Paulita Gomez. Kailangan kong ibigay 'yung lahat ng makakaya ko dahil sa pagkakaalam ko sa kuwento ng El Filibusterismo, talagang mas madilim ito. This is about revenge, its about fighting harder for what you believe in," bahagi ni Julia.
Sa tingin daw ni Julia, magiging challenging ang role para sa kanya.
"I think my character really has to understand that the love she has for Isagani and also for the other characters that she may meet in this part of Maria Clara at Ibarra, kailangan niyang matutong tumayo sa kanyang sariling mga paa. Gagamitin niya 'yung isip niya imbis na 'yung puso niya ang gagamitin.
"Challenging role po ito sa akin. Sana po mabigyan ko po ng justice 'yung character na 'to lalo na kasama ko ang mga napakagaling na mg aktor. Excited na po ako na bigyang buhay ang El Filibusterismo," ani Julia.
Bukod kina Khalil, Pauline, at Julia, magiging bahagi rin ng programa si Kim de Leon bilang kasintahan ni Paulita na si Isagani.
Kasama rin si Arnold Reyes bilang Kabesang Tales, na una nang napanood bilang taong kumupkop sa batang si Basilio sa unang bahagi ng Maria Clara at Ibarra.
Abangan ang tumitinding mga eksena ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEST MOMENTS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: