GMA Logo Lou Veloso and Barbie Forteza
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra' fans, naloka sa big reveal ni Mr. Torres

By Marah Ruiz
Published January 20, 2023 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Lou Veloso and Barbie Forteza


Nagulat ang fans ng 'Maria Clara at Ibarra' fans at viewers sa isang rebelasyon tungkol kay Mr. Torres.

Isang malaking rebelasyon ang gumulantang sa fans at avid viwers ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa ika-79 ng episode ng serye, nalaman na ni Klay (Barbie Forteza) na ang kanyang professor niyang si Mr. Torres (Lou Veloso) at si Ali, ang alitaptap na madalas bumisita sa kanya ay iisa.

Maria Clara at Ibarra

Ikinatuwa ng marami na karamay pala ni Klay si Mr. Torres sa paglalakbay niya sa nobela.

Nagsilbi rin itong bantay at tagaprotekta ng kanyang estudyante.

Marami ring napaisip kung ano ang magiging papel ni Mr. Torres sa pagtawid ng kuwento patungo sa El Filibusterismo.

Isa pang dagdag na tanong ay kung bakit nabiyayaan si Mr. Torres ng kakayanan na pumasok at magsama ng tao sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal.

Sa pagtawid ng Maria Clara at Ibarra mula Noli Me Tangere patunong El Filibusterismo, nakatakdang bumalik si Klay sa sarili niyang mundo.

Magbabalik din sa San Diego si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) gamit ang bago niyang katauhan na si Simoun, habang mamamalagi naman sa kumbento si Maria Clara (Julie Anne San Jose).

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

NARITO RIN ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: