GMA Logo David Licauco, Barbie Forteza
Source: davidlicauco (Instagram) (Twitter)
What's on TV

David Licauco teases his most favorite, most tearful 'FiLay' scene in 'Maria Clara at Ibarra'

By Jimboy Napoles
Published January 23, 2023 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco, Barbie Forteza


Bakit kaya nasabi ni David Licauco na ito ang paborito niyang eksena nila ni Barbie Forteza bilang Fidel at Klay sa 'Maria Clara at Ibarra'? Abangan ang 'yan ngayong gabi sa GMA Telebabad.

May pasilip ang Kapuso heartthrob na si David Licauco sa kanyang pinakapaboritong eksena bilang si Fidel kasama ang aktres na si Barbie Forteza na gumaganap naman bilang si Klay sa pinag-uusapang GMA Primetime series na Maria Clara at Ibarra.

Sa social media, ibinahagi ni David ang ilang mga larawan nila ni Barbie mula sa nasabing eksena.

“My most favorite scene to date,” caption ni David sa kanyang Instagram post.

Isang post na ibinahagi ni David Licauco (@davidlicauco)

Dito ay agad naman na nagkomento ang kanyang katambal sa series na si Barbie.

“Gusto ko rin 'tong eksenang 'to @davidlicauco nalimutan natin 'yung lamig sa location e,” ani Barbie.

Samantala, sa Twitter, tila may pahiwatig naman si David sa mangyayari sa sinasabi niyang pinakapaborito niyang eksena.

“Iniibig kita. Sana'y wag mo akong iwan PLEASE @dealwithBARBIE,” sulat ni David sa Twitter post kung saan naroon ang larawan nila ni Barbie bilang Fidel at Klay na tila nagpapaalam na sa isa't isa.


Samantala, mapapanood naman ang naturang mga eksena sa episode ng Maria Clara at Ibarra ngayong gabi sa GMA Telebabad.


Matatandaan na natapos na ni Klay ang kuwento ng "Noli Me Tangere" at kinakailangan niya nang makabalik sa totoo niyang mundo ayon sa kanyang propesor na si Mr. Torres.

Dahil dito, palaisipan ngayon sa mga manonood kung ano kahihinatnan ng kuwento nina Fidel at Klay. Sasama ba si Fidel sa mundo ni Klay? O tuluyan na silang maghihiwalay?

SILIPIN NAMAN DITO ANG ILAN PANG MGA KAPANAPANABIK NA EKSENA NA DAPAT ABANGAN SA MARIA CLARA AT IBARRA: