GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

David Licauco, proud sa character development niya sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published January 24, 2023 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Proud daw si David Licauco sa naging character development ni Fidel sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Maraming mga pagbabago ang naghihintay sa mga karakter ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Malapit na kasi itong tumungo sa bagong yugto at tatawid sa nobelang El Filibusterismo mula Noli Me Tangere.

Isa sa mga magkakaroon ng malaking pagbabago ay ang karakter ni Kapuso actor David Licauco na si Fidel.

Sa ika-81 episode ng serye na umere noong January 23, hinimok ni Fidel si Klay (Barbie Forteza) na manatili sa San Diego para magkasama nilang ipaglaban ang karapatan ng mga taong naninirahan dito.

Malayong-malayo ito sa ugaling nakita kay Fidel sa pagsisimula ng programa.

Proud naman daw si David sa naging character development ni Fidel sa takbo ng show.

"Nag-start siya na happy-go-lucky, playboy siya, mayabang and then sa 'El Filibusterismo,' big transition. Because with the influence of Klay, nakita ko na kung paano dapat 'yung [tama] sa San Diego. Nakita ko na 'yung mga maling ginagawa, so 'yun 'yung big turning point ni Fidel as a character. Pagdating ng 'El Filibusterismo,' mas makatao na siya, fina-fight niya kung ano 'yung tama," lahad ni David.

Na-enjoy naman ng ilang fans ng Maria Clara at Ibarra ang pagbabago ng karakter ni Fidel.

Pinuri rin ng ilan ang acting ni David sa eksena.

Ano ang mangayayari kay Fidel at sa iba pang tauhan ng nobela ngayong uuwi na si Klay sa sarili niyang mundo?

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: