GMA Logo David Licauco
What's on TV

Fidel, dinamayan ng 'Maria Clara at Ibarra' viewers sa kanyang pighati

By Marah Ruiz
Published January 25, 2023 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Dinamayan ng mga manonood ng 'Maria Clara at Ibarra' si Fidel sa kanyang pighati sa paghihiwalay nila ni Klay.

Bittersweet ang ika-82 episode ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Dumating na ang isa sa pinakahihintay ng mga fans ng tambalang Fidel (David Licauco) at Klay (Barbie Forteza) at FiLay--ang pag-amin nila ng nararamdaman para sa isa't isa.

Gayunpaman, kinailangan pa rin nilang maghiwalay dahil kailangan nang bumalik ni Klay sa sarili niyang mundo.

Naabutan pa ni Fidel ang pagbubukas ng lagusan kung saan papasok si Klay para makabalik sa sarili niyang mundo. Nagamit naman ni Klay ang signature goodbye nila na "babu."

Maraming manonood ang nadala sa pagtangis ni Fidel kaya dinamayan naman nila ito sa kanyang pighati.

Lalo pang naging madamdamin ang eksena dahil kitang-kita ang malaking pagbabago ng disposisyon ni Fidel.

Umani rin ng papuri si David Licauco sa pagbibigay-buhay sa mga emosyon ni Fidel.

May agad naman nakagawa ng cute na fan art na hango sa eksena.

Top trending topic sa Twitter Philippines and official hashtag ng episode na #MCIEndgame. Pasok din sa top 10 ang mga katagang "Fidel," "FILAY Babu," at "Klay."

Panoorin ang paghihiwalay nina Fidel at Klay rito:

Kung na-miss niyo naman ang buong episode, panoorin ito dito:

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: