
Narito na ang isa sa mga pinakainaabangang eksena sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Nakatakda na kasing muling makita ni Klay (Barbie Forteza) si Fidel (David Licauco) nang sagipin siya nito mula sa kwartel.
Ilang araw pa lang ang lumilipas simula nang magbalik si Klay sa mundo ng nobela pero para kay Fidel, 13 taon na ang hinintay niya.
Bukod kina Fidel at Klay, isa pang reunion ang matutunghayan ngayong gabi. Muling magkikita ang malupit na si Padre Salvi at Basilio na dating nanilbihan sa kanya bilang isang sakristan.
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: