
Naaliw daw si Sparkle star at Pambansang Ginoo David Licauco sa iba't ibang fan theories tungkol sa kaniyang karakter na si Fidel sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Si Fidel ay ang mabuting kaibigan ni Crisostomo Ibarra, karakter ni Dennis Trillo, pero hindi siya bahagi ng nobelang Noli Me Tangere.
Dahil diyan, may iba't ibang haka-haka ang mga manonood tungkol sa karakter ni Fidel.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni David ang paboritong niya sa lahat ng mga nababasa niyang fan theories.
"Ako daw si Professor Torres," natatawang inilahad ni David.
"May isang Facebook page na nag-post about that. Nakita ko 'yun. Umabot siya sa akin, nakakatuwa at nakakatawa," dagdag ng aktor.
Ang beteranong aktor na si Lou Veloso ang gumanap bilang Professor Torres, ang guro ng karakter ni Barbie Forteza na si Klay sa kaniyang Rizal Studies course.
Ang propesor ang may hawak ng libro na nagpasok kay Klay sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal.
Ayon kay David, naaaliw daw siyang mabasa ang mga hula ng viewers tungkol sa kaniyang karakter at sa istorya ng Maria Clara at Ibarra kahit na malayo o hindi ito tugma sa takbo ng kuwento.
"So far, parang mali eh, mostly mali. Ang daming theories. Nakakatuwa rin kasi siyempre just the fact na may mga taong gumagawa ng theories, ibig sabihin na successful talaga 'yung show. Ipagpatuloy lang nila [ang paghula] para mas exciting for everybody," aniya.
Image Source: davidlicauco (Instagram)
Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: