What's on TV

Tirso Cruz III, masaya na nakaka-relate ang Gen Z sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published February 17, 2023 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Tirso Cruz III


Proud daw si Tirso Cruz III sa positibong impluwensiya ng 'Maria Clara at Ibarra' sa kabataan.

Nagpaalam na si Padre Damaso, karakter ni veteran at multi-awarded actor na si Tirso Cruz III, sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Matatandaang sa ika-98 episode ng serye, binisita ni Simoun (Dennis Trillo) si Padre Damaso para ibalita rito ang pagkamatay ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) bilang paghihiganti.

"It's a necessity naman talaga. Sabi nga nila, ang mga taong gumagawa ng masama, masama ang ugali or nang-aabuso dapat tumanggap ng katapat na kaparusahan," lahad ni Tirso tungkol sa pagkamatay ng kaniyang karakter.

Masaya rin siya sa naging pagtanggap ng mga manonood sa buong serye.

"Pupunta kami sa mall or kakain, minsan may mga lumalapit. 'Nakakinis ka,' sasabihan akong ng ganoon. Nakakatwa lang kasi, 'Nakakainis ka. Galit kami sa'yo.' Tapos sasabihin, 'Puwede pa-picture?' Alam mong maraming following 'yung show kasi hindi ako tinatwaag na Tirso, tinatawag akong Padre Damaso," kuwento ni Tirso tungkol sa ilang fan encounters.

Talaga naman daw maipagmamalaki ang serye dahil may positibong impluwensiya ito sa kabataan, lalo na sa Gen Z.

"Nakakakuha rin kami ng mga feedback na tumaas daw ulit ang sales ng 'Noli Me Tangere' and the kids, para bang naging mas interested silang pag-aralan 'yung istorya noong libro. Malaking bagay din ang naitulong ni Klay, si Barbie Forteza, sa kaniyang pagtawid doon sa character doon. I think naka-identify 'yung mga bata," kuwento ni Tirso.

Panoorin ang buong panayam ni Tirso Cruz III sa 24 Oras sa video sa itaas.

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: