GMA Logo david licauco
What's on TV

David Licauco, nagulat na nahalungkat ng fans ang tweet niya tungkol sa Rizal studies

By Nherz Almo
Published February 17, 2023 7:11 PM PHT
Updated February 17, 2023 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


David Licauco: “Crazy lang talaga kung paano umiikot yung mundo, di ba?”

Viral ngayon online ang mga lumang Twitter post ni David Licauco tungkol sa Rizal studies.

Sa mga naturang posts, tila nag-rant ang aktor noong pinag-aaralan niya ang buhay ng Pambansang Bayani na si Jose Rizal.

Ginawang biro ito ng fans ni David at ilan sa kanila ang nagsabi na marahil ang kanyang dating tweets ang dahilan kaya napasok siya sa mundo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na bahagi ng hit GMA Telebabad series na Maria Clara at Ibarra.

Sa isang tweet, sinabi noon ni David, “Studying Jose Rizal's life for tom's finals. Ano makukuha ko dito.”

Ilang fans ang inihalintulad ang kanyang tweet sa pakiramdam ng Maria Clara at Ibarra character na si Klay (played by Barbie Forteza) bago siya pumasok sa mundo ng Noli Me Tangere.

Dahil sa pagiging viral ng kanyang tweets, hindi naiwasang matanong si David tungkol dito nang humarap siya sa media pagkatapos maipakilala bilang endorser ng Bluewater Day Spa kanina, February 17.

“Well, nagulat ako,” komento ng binatang aktor. “Nag-worry ako na baka mayroon akong mga nasabi na mahalungkat din. Kasi, kumbaga, dati naman na akong artista at pilyo rin naman akong bata. So, baka lang mayroon akong nasulat doon na ikagulat ng mga tao.”

Aminado ang 27-year-old actor na noong kabataan niya ay nagpo-post siya ng mga rant sa microblogging site na Twitter.

“Madaming- madami kasi alam n'yo naman ang Twitter before, lahat ng rants mo sinasabi mo doon. Ganun yung Twitter before. Wala lang, baka mayroon pang iba,” pahayag ni David.

Dagdag pa niya, “Crazy lang talaga kung paano umiikot yung mundo, di ba? Noong umpisa kinabahan ako kasi baka isipin nila wala akong kwentang tao. Pero siyempre, dati I was 17 years old or 16… luckily, hindi naman sila nag-react ng masama.”

Samantala, isang twist ang inaasahan sa nalalapit na pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra.

Sabi ni David sa naunang panayam, "Marami pa silang aabangan kasi talagang extended kami--para sa mga fans din 'yun. I would say na maganda 'yung kakalabasan, kaka-ending-ngan ng Maria Clara at Ibarra at sa aming dalawa ni Klay.”

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra sa GMA Telebabad. Sabay din itong mapapanood sa Kapuso Stream. Para sa mga nakaraang episode, maaari itong balikan sa GMA Network app o sa GMANetwork.com/fullepisodes.

TINGNAN SI DAVID LICAUCO AT ANG KANYANG WHOLESOME PHOTOS: