GMA Logo Barbie Forteza
PHOTO SOURCE: Twitter
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra,' muling nag-trend sa nalalapit nitong pagtatapos

By Maine Aquino
Published February 24, 2023 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS teases cryptic date, wipes Instagram account
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Patuloy na tutukan ang huling mga eksena sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Muling pinag-usapan ng netizens ang bawat eksena ng Maria Clara at Ibarra.

Nitong February 23, nag-trend ang #MCIMgaAralAtPangarap at ayon sa bida nitong si Barbie Forteza, puno siya ng pasasalamat sa mga nababasa niyang reaksyon ng mga manonood.

"Nakakaoverwhelm naman po ang tweets ninyo sa episode tonight. #MCIMgaAralAtPangarap. Maraming salamat po sa pagappreciate sa trabaho ko at naming lahat."

Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa bawat eksena ng Maria Clara at Ibarra lalo na sa nalalapit nitong pagtatapos.

Saad ng isang netizen, "In one day MCAI is about to end. Pero yung lessons of LOVE, CAMARADERIE,AND PATRIOTISM will remain our hearts sa ating mga Pilipino. THIS IS INDEED A MASTERPIECE! Again walang kakemehan this is the best primetime serye of all time. Muchos Gracias"

Emosyonal naman ang isang netizen sa latest episode ng inaabangang Kapuso serye. Saad niya sa kanyang tweet, "This episode just melts my heart. Don't know how many times I cried in every scenes.😭"

Isang netizen naman ang nananabik na sa finale episode ng Maria Clara at Ibarra.

"I truly feel like the writers are going to shoot their last bullet and pull off an unexpected twist. Team Overthink, PRESENT!!! Hats off sa creators ng #MariaClaraAtIbarra So proud to be a fan of this show. #MCIMgaAralAtPangarap"

Abangan ang huling episode ng Maria Clara at Ibarra mamaya, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: