What's on TV

Finale ng 'Maria Clara at Ibarra,' puno ng mga rebelasyon at may hatid na pag-asa

By Marah Ruiz
Published February 24, 2023 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Humanda sa mga rebelasyon at kumapit sa pag-asa sa huling gabi ng seryeng minahal ng bayan, ang 'Maria Clara at Ibarra.'

Ngayong gabi, February 24, eere ang ika-105 at huling episode ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Maraming kaabang-abang na rebelasyon ang dapat abangan ngayong gabi.

Makikilala na ni Klay (Barbie Forteza) ang apo ni Mr. Jose R. Torres (Lou Veloso) na si Barry Torres. Sino ang taong ito at bakit tila ikinagulat ni Klay ang paghaharap nila?

Mabibigyang linaw na rin ang katauhan ni Mr. Torres at ang kakayanan niyang magdala ng mga tao sa mundo ng mga nobela. At hindi pala siya nag-iisa dahil may isang misteryosang babae ng sumangguni sa kanya tungkol sa isang "emergency" sa "Mga Ibong Mandaragit."

Ang "Mga Ibong Mandaragit" ay nobela ni Amado V. Hernandez at may kuneksiyon ito sa "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ni Jose Rizal.

Tinatalakay kasi dito ang dalawang nobela ni Rizal at sinasabing ang bidang tauhan na si Mando ay hango sa pinaghalong katauhan nina Crisostomo Ibarra at Simoun.

Bukod dito, may bahagi rin sa kuwento kung saan susubukang hanapin ni Mando ang kayamanan ni Simoun na itinapon sa dagat.

Kapansin-pansin rin na ang babaeng lumapit ay Mr. Torres ay ang babaeng namataan noon sa labas ng kwartel nang maaresto si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo).

Lider ba si Mr. Torres ng grupo ng mga tao na may kakayanang maglakbay sa pagitan ng tunay na mundo at mundo ng mga nobela?

Maria Clara at Ibarra finale

Samantala, may pasilip din sa buhay ni Klay matapos ang pitong taon mula noong nagtapos siya sa kolehiyo. Ano ang kahulugan ng mga katagang "figuras cabalisticas" sa misteryosong papel na mapupulot niya sa gubat?

Huwag palampasin ang finale ng Maria Clara at Ibarra, February 24, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito, 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA SUPPORTING CHARACTERS NG MARIA CLARA AT IBARRA NA LUBOS NA MINAHAL NG MGA MANONOOD: