GMA Logo Mga Lihim ni Urduja teaser
Source: GMADrama (FB)
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra,' may pasilip sa 'Mga Lihim ni Urduja'

By Kristian Eric Javier
Published February 24, 2023 3:54 PM PHT
Updated February 24, 2023 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Lihim ni Urduja teaser


May papasok ba na karakter sa 'Mga Lihim ni Urduja' galing sa 'Maria Clara at Ibarra'?

Sa nalalapit na pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra, may munting pasilip ang fantasy-portal series sa bagong action-fantasy series ng GMA na Mga Lihim ni Urduja.

Sa nakaraang episode ng serye, pinakita si Klay, na ginanapan ni Barbie Forteza, na nakabalik na sa mundo niya at naglalakad-lakad sa school grounds nila habang pinagmamasdan ang mga kapwa estudyante. Sa hindi kalayuan, napansin niya ang isa sa mga kamag-aral niyang nakatulog habang nagbabasa ng libro.

Sa paglapit ni Klay ay nakita niya na Mga Lihim ni Urduja pala ang pamagat ng librong nakatulugan ng estudyante sa parehong paraan na nakatulugan niya noon ang pagbabasa ng Noli Me Tangere.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Hindi naman nakaligtas sa mga manonood ang pasilip na ito para sa bagong serye ng GMA at sa comments sa Facebook at Instagram, pabirong sinabi ng mga netizens na baka papasukin na rin ni Klay ang mundo ng action-fantasy series.

Samantala, ang ilang netizens na nagkomento, pabirong sinabi na isa sa mga cast ng Mga Lihim ni Urduja ang natutulog na estudyante at papasok sa mundo nito.

Sa pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra mamaya, February 24, magsisimula naman sa Lunes, February 27, ang panibagong serye na aabangan ng mga manonood. Bibida dito sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia, kasama ang ilan pang Kapuso at Sparkle artists ng GMA.

TINGNAN ANG CREATIVE FAN ARTS PARA SA MGA LIHIM NI URDUJA: