
After ending Maria Clara at Ibarra on a high, Julie Anne San Jose admits she's still getting over the finale and missing her character as Maria Clara.
She told GMANetwork.com, "Katatapos lang ng Maria Clara at Ibarra, hindi pa ako nakaka-get over kasi recent lang 'yung ending.
"Nakaka-separation anxiety kasi hinahanap hanap na ng sistema ko 'yung taping, 'yung costume, 'yung set, mga characters and 'yung buong team ng MCAI kaya nakakataba rin ng puso kasi hindi kami iniwan ng mga nagmamahal sa show and sobra ang pasasalamat namin sa kanila."
Julie Anne also thanked GMA for letting her play such an impressionable role, "Siyempre sa GMA Network and Sparkle for giving us this opportunity na magkaroon ng ganitong napakagandang programa and hopefully maging mas marami pa ang mga ganitong klaseng shows ang ma-produce ng GMA because aside from it's very entertaining, it's also educational because it reminds us of our roots bilang mga Pilipino, it's very cultural.
"Mas dito tayo natututo sa kung ano 'yung nangyari sa history natin na naging parte rin ng buhay natin ngayon.
She also narrated the challenges she had in playing Maria Clara and how her role broke female stereotypes.
"Nakaka-miss, bilang Maria Clara, hindi naging madali 'yung pag-portray nung character, maraming mga challenges, siguro hindi rin alam ng ibang tao kasi mukhang ang fun lang pero hindi siya ganoon kadali because mabigat 'yung role. Most of my scenes were all drama, lagi akong umiiyak, from day to night, minsan inaabot na rin kami ng madaling araw na buong araw akong umiiyak."
"How I prepared for the role, hindi rin naging madali, I had to learn another language, 'yung Spanish and Latin din at malalim na Tagalog. Nakikita ko 'yung growth ni Maria Clara from day one hanggang sa nag-end 'yung buhay niya kasi si Maria Clara, may notion ang mga tao na mahinhin lang siya na babae pero she's more than just a woman, at 'yung growth niya may development talaga.
"Nakita ko siya as a person, naging totoong tao siya for me and hopefully para sa atin lahat din. Nakita ko kung gaano siya ka-strong, nakaka-inspire 'yung paglaban niya sa karapatan niya bilang isang babae, nakaka-inspire and I also felt empowered. It's definitely one for the books and hindi ko siya makakalimutan ever."
TAKE A LOOK AT JULIE ANNE SAN JOSE'S MEMORABLE MOMENTS AS MARIA CLARA: