What's on TV

Kilig at tawanan sa dance floor, itinampok sa ‘Marian’

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 30, 2020 7:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ibang klaseng kasiyahan ang dala ng biggest primetime dance party noong Sabado dahil iba’t ibang guests and nakisaya sa 'Marian'.
By SAMANTHA PORTILLO




Ibang klaseng kasiyahan ang dala ng biggest primetime dance party noong Sabado dahil iba’t ibang guests and nakisaya sa Marian. Iba’t ibang bagong mga sayaw din ang natutunan ng mga manonood.

Opening number pa lang, nagningning agad ang Primetime Queen. Suot ang colorful na Hawaiian outfit, nakasama niya sa engrandeng production number ang gwapong mga miyembro ng grupong Los Viajeros.

Ipinakita naman ng UST Salinggawi Dance Troupe ang kanilang gilas sa pagsasayaw. Bidang-bida talaga sila sa dance floor.

Para sa Celebrity Showdance segment, nagpasiklaban ang duo nina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia laban kina Ken Chan at Coleen Borgonia. Nakakakilig ang naging eksena ng mga mag-love team na sumayaw sa hit songs ni Zedd na “Clarity” at “Stay the Night".

Bawat linggo, dalawang dance acts ang magtatapat at ang weekly winner ay mananalo ng P50, 000. Para sa linggong ito, ang napakagandang si Ms. Lucy Torres-Gomez ang celebrity guest judge.

Idineklarang winners ang cute teen tandem ng My Destiny na sina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia.

Sunod namang humataw ay si Julie Anne San Jose kasama ang kuwelang kuwelang comedians na sina Osang at Petite. Vintage at stewardess-inspired ang kanilang fashionable outfits. Panalo ang song and dance number nila.

Ibinahagi rin ng Primetime Queen ang ilang updates tungkol sa kanyang upcoming wedding, kasama na ang napakasayang bridal shower niya with friends and family sa Hong Kong Disneyland.

Siyempre, hindi mawawala ang dance step of the week. Itinuro ng sexiest dancing diva sa lahat ng guests ang “jigger” dance step.

Sa susunod na Sabado, siguradong iba’t ibang sorpresa na naman ang matutunghayan sa biggest primetime dance party, Marian!