“Hindi ako kasama sa taping, hindi ko nakikita ‘yung nangyayari. So dapat malakas ‘yung imagination mo para tama ‘yung emosyon na naiibigay mo,” sambit ni Boobay.
“Hindi ka nila nakikita bilang Boobay, kundi bilang aso. Susubukan mo namang magpatawa sa pagitan ng 'yong boses,” dugtong niya.
Pinapractice din ni Boobay sa kanyang shih tzu na si Kendra ang kanyang mga linya.
Wika niya, “Mas nagkaroon ako ng connection doon sa dog ko, para mas maramdaman ko ‘yung character, pag nagda-dubbing na.”