
Ikinuwento ni Lovely Abella sa segment na “Mars Sharing Group: A Reminder to Myself” ng Mars Pa More na naiyak siya nang mag-enroll ng English courses.
Photo courtesy: Mars Pa More (Facebook)
Ayon sa komedyante, nasasaktan raw siya sa tuwing pinagtatawanan ang kanyang pag-e-English.
Aniya, “Actually, Mars, kaya ko pinaaral sa magandang school yung anak ko, kasi gusto ko, siya yung nagko-correct sa akin in a good way.
“Kasi minsan kasi yung pinagtatawanan ka--haha, ano ganyan yan--pero parang hindi nila na ano na na-offend pala ako.”
Kuwento pa niya, “ Kaya yung mga kaibigan ko, Mars, sinasabi ko talaga sa kanila... Kaya pansinin mo kapag nagsasalita ka, nakikinig lang ako.
“Syempre bilang CEO, may nakakausap ako na ibang may gusto mag-invest sa company. Mag-aaral na ako.
“Like meron na akong mga one-on-one English class. Naiyak talaga ako. Nanginginig ako kasi sobrang... ganon pala talaga.
“Kailangan natin matuto or hindi dapat natatapos yung pag-aaral.”
Ayon kay Camille Prats, hindi dapat maging basehan ang pag-e-English para ipakita ang galing ng isang tao dahil ang mga na-achieve ni Lovely ay hindi basta-basta.
Dagdag pa ng Mars Pa More host na ang pagsasalita ni Lovely ng Tagalog ay isang parte ng kanyang tagumpay.
“And kung ano talaga ako, pinapakita ko talaga,” ani Lovely.
Alamin ang buong kuwento ng tagumpay ni Lovely Abella sa Mars Pa More video sa itaas.
Kapag hindi naglo-load ang video, maari itong mapanood DITO.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Network.
Samantala, muling balikan ang napakagandang garden-themed wedding nina Lovely Abella at Benj Manalo sa gallery na ito: